Bahay ni Kap, 9 pa naabo sa sunog

Malungkot ang Araw ng mga Puso ng sampung pamilya sa Puerto Princesa City matapos matupok ang kanilang mga bahay at ari-arian sa sunog sa na sumiklab kahapon ng umaga, February 14, 2026.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection, naitawag sa kanila ang sunog mga bandang alas-11:06 at agad silang nagresponde. Pagsapit ng alas-11:19 ay nagdeklara sila ng fire under control.

Wala pang matukoy na pinagmulan ng apoy,

Ayon sa mga nabiktima ng sunog, nagulat na lang sila na may nagsisigawan kasunod nang naramdaman nilang init sa buong paligid dala ng apoy na kumalat din sa lakas ng hangin. Sa takot ay mabilis silang nagsitakbo, at wala nang nabitbit pa na mga gamit.

Ikinuwento rin ni Punong Barangay Rene Balacanta na pag-uwi niya galing sa Love Affair with Nature ng City Government ay nadatnan niyang tupok din ang kanyang bahay. (Romeo Luzares Jr)


オリジナルサイトで読む