Todas ang isang Polish tourist matapos itong malunod sa Mahayag Beach Resort, Barangay Buenavista, Tandag City noong Sabado, Pebrero 14.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Substation Tandag, natanggap nila ang ulat sa sinapit ng turista mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office noong Biyernes kaya agad silang nagsagawa ng search and rescue kasama ang lokal na pamahalaan at mga nag-volunteer na mga mangingisda.
Dahil sa malakas na agos at mababang visibility sa ilalim ng tubig, naantala ang operasyon kaya bandang ala-1:00 na ng tanghali noong Sabado nang matagpuan nila ang bangkay ng turista.
Itinurnover na ang bangkay ng biktima sa Tandag police. Wala pang opisyal na pagkakakilanlan o impormasyon mula sa pamilya ng dayuhan.
