Senglot na estudyante natusta sa sunog

Nasawi ang isang lasing na Criminology student matapos itong masunog sa lumiyab na talyer sa Barangay Balabago, Jaro, Iloilo City, kahapon ng madaling-araw, February 16, 2026.

Kinilala ang biktima na si Rustom Ancita, 24-taong-gulang, na nakatira sa lugar.

Ayon sa pamilya, nakainom umano si Ancita bago siya umuwi at natulog sa talyer na katabi lamang ng kanilang bahay, dahilan kung bakit hindi siya nakalabas nang mabilis nang sumiklab ang apoy.

Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection Iloilo City ang sanhi ng sunog. (Joven Escaniel)


オリジナルサイトで読む