Muntik nang gawing hapunan ng mga asong gala ang nakalkal na patay na sanggol sa isang basurahan sa Libon, Albay, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay P/Maj. Roberto O Flores Jr., hepe ng ng Libon Municipal Policce Station (MPS), napansin umano ng mga residente na tila nagkakagulo ang dalawang aso sa isang basurahan.
Nang alamin ay tumambad ang patay na baby girl, na tinangka nang kainin ng mga aso pero agad nila itong naitaboy saka ini-report sa mga awtoridad.
Sa ulat, ang patay na sanggol ay isang babae at tinatayang nasa anim na buwang gulang pa lang.
Kinuha ng mga awtoridad at pinabendisyunan sa pari saka inilibing. (Dolly Cabreza)
