Isang lalaki ang nasawi nang tangkain nitong sagipin ang nalulunod na pamangkin sa isang ilog ng Brgy. Mabini, Cadiz City,
Pasado alas-10:00 ng umaga, Pebrero 17, 2026 nang mahulog ang isang 9-anyos na bata sa pampang ng isang ilog habang ito ay namimingwit.
Sa isang panayam ay nalaman kay PLt. Daleen Grace Loreno, Deputy Chief ng Cadiz City Police Station, na nabahala ang isang alyas ‘Jesus’ nang marinig umano ang sigaw ng pamangkin na nilalabanan ang pagkalunod sa rumaragasang tubig ng ilog.
Kaagad itong nirespondehan ng tiyuhin ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi rin nito nailigtas ang sarili dahil umano sa malakas na pressure ng agos.
Sa isang bahagi ng ilog narekober ang mga labi ng dalawa na parehong binawian ng buhay sanhi ng pagkalunod. (Edwin Gadia)
