4 pulis kinasuhan sa nabaril na suspek

Nahaharap sa kasong homicide ang apat na pulis-Catanduanes matapos ang pagkamatay ng isang Person Under Police Custody o PUPC na umanoy nang-agaw ng baril at tumakas sa kanilang kustodiya sa Del Gallego, Camarines Sur.

Sa ngayon ay nasa restrictive custody sa Camarines Sur PPO ang apat na pulis na kinabibilangan ng 1 corporal at 3 patrolman, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon kay Del Gallego Police Station Chief Capt. Bernie Undecimo, ihahatid sana ang nasabing nasawing PUPC at isa pang detainee sa Catanduanes mula sa Pasig City kung saan sila nadakip nang pagdating nila sa bayan ng Del Gallego ay magpaalam sana sila para umihi habang ang isang pulis at maghahanap ng piso net.

Tinanggal umano ang posas ng PUPC nang bigla umano nitong agawin ang service firearm na Galil rifle ng isang bantay na pulis ngunit hindi umano ito pumutok nang kalabitin.

Sinasabing nagkaroon ng habulan sa gubat hanggang sa magkaputukan at magtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang preso.

Dahil dito ang mga nasabing sangkot na pulis ay patuloy na iniimbestigahan habang kasong homicide ang kanilang kinakaharap sa korte. (Edwin Balasa)


オリジナルサイトで読む