Sinibak sa puwesto ni Land Transportation Office (LTO) Chief Markus Lacanilao ang dalawang enforcer na naaktuhan niya mismo na nangongotong sa motorista sa MIMAROPA.
Ang isang enforcer ay Job Order (JO) personnel na tumatanggap ng iligal na bayad sa pamamagitan ng GCash habang ang isa ay regular na empleyado na nahuli ring nangongolekta ng pera para sa mabilis na transaksiyon sa ahensiya.
Sinuspinde ang dalawang LTO enforcer ng 90 araw habang iniimbestigahan ang kaso.
Inatasan na rin ng LTO chief si Region IV-B Acting Regional Director, Atty. Wendel Dinglasan na kanselahin ang kontrata ng nasabing JO enforcer. (Dolly Cabreza)
