Bodega ng LPG sumambulat, 3 bulagta

Sumiklab ang sunog sa isang bodega ng mga tangke ng liquefied petroleum gas o LPG at butane sa Talisay City, Cebu nitong Lunes, Disyembre 1.

Ayon sa Talisay City Fire Station, naiulat ang sunog sa Sitio Molave, Barangay Lagtang bandang alas-5:30 ng madaling-araw at nakontrol ang apoy sa loob ng 30-minuto.

Isang 49-anyos na manggagawa ang naiulat na kritikal matapos magtamo ng second at third degree burns sa halos buong katawan, habang dalawang indibidwal ang nagtamo ng minor injuries.

Inihayag naman ni Fire Officer Mar Dee Auxtero II na delikado ang enclosed na storage area para sa highly flammable gas cylinders.

Bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon, pinaniniwalang sumabog ang isang tangke na naging simula ng sunog.

Posible rin umanong dulot ng paninigarilyo malapit sa mga tangke ang naging dahilan nito.

Samantala, tinatayang P100,000 ang halaga ng pinsala sa insidente habang patuloy pang sinusuri ang eksaktong sanhi ng sunog. (Angelica Malillin)


オリジナルサイトで読む