Umabot na sa 104 ang mga kaso ng Human Immunodeficiency virus o HIV na naitala sa lalawigan ng Capiz.
Ito ay batay sa datos ng Capiz Provincial Health Office mula Enero 1 hanggang Agosto 2025, habang umabot naman sa 934 ang kabuuang kaso mula 1994–2025.
Sa 104 na kaso, 97 dito ay lalaki habang 7 naman ang babae. Sa bilang na ito, 37 ang nasa edad 15–24 at 2 ang may edad 50 pataas.
Nangunguna ang Roxas City na may 44 na kaso, sinundan ng Pontevedra na may 7, Panay, Pilar, at ang huli ay ang mga bayan ng Maayon at Sapian.
Samantala, nangunguna naman ang Iloilo City, sinundan ng Iloilo Province, at pangatlo naman ang Capiz na may pinakamaraming HIV cases sa buong Western Visayas.
Ayon sa Capiz PHO, pabata nang pabata ang tinatamaan ng naturang sakit at kadalasan itong nakukuha sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki kumpara sa pakikipagtalik sa mga sex worker. (Joven Escaniel)