Bride-to-be, sanggol, 2 pa tigok sa salpok ng tanker

Patay ang 34-anyos na umanoy bribe-to-be, ang kaniyang sanggol na anak at dalawa pa matapos masalpok ng fuel tanker ang sinasakyan nilang tricycle sa Misamis Oriental noong Sabado.

Kinilala ang mga nasawing sakay ng tricyle na sina Baby Jane Tupaz; 1-taong-gulang niyang anak, ang 61-anyos nilang kapitbahay, na pawang residente ng Brgy. Bagong Silang, Malitbog, Bukidnon, at ang driver ng tanker.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang malagim na aksidente sa Upper Zone 1, Bgy. Sta. Ana, Tagoloan, Misamis Oriental.

Galing umano si Tupaz, kasama ang live-in partner, dalawa nilang anak, kabilang ang sanggol, at ang kapitbahay sa Sta. Ana Parish Church para sa seminar dahil kasali ito sa isang mass wedding sa susunod na taon.

Pero habang papauwi na ang mga biktima, isang humaharurot na tanker ang kanilang nasalubong at pagsapit sa blind curve ay nasalpok ang sinasakyan nilang tricycle at tuluy-tuloy na bumulsok sa bangin.

Masuwerteng nakaligtas naman 26-anyos na tricycle driver at ang 4-taong gulang na anak ni Tupaz, maging ang pahinante ng tanker sa aksidente.

Nabatid na naunang umuwi ang mga biktima at magpaiwan pa sa simbahan ang live-in partner ni Tupaz na labis na nagdadalamhati sa sinapit ng kanyang mag-iina. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む