Brodkaster na konsehal, tinodas

Ipinag-utos na ni acting Philippine National Police (PNP) chief L/Gen Jose Melencio Nartatez, Jr., ang malalimang imbestigasyon sa pamamaslang kay Gerry Campos, isang broadcaster na naging municipal councilor sa Surigao del Sur.

Bagama’t nahuli ang 42-anyos na suspek, sinabi ni Nartatez na kinakailangang matukoy ang motibo nito para malaman kung may iba pang kasabwat sa krimen.

Pinagsasaksak si Campos noong Sabado ng umaga, Disyembre 6, habang naglalakad malapit sa isang gasoline station sa Barangay Sta. Cruz at sa isinagawang hot persuit operation ay nadakip ang suspek ng kapareho ding araw.

Nagsilbi si Campos bilang direktor ng Radio Mindanao Network sa Butuan City at naging manager ng Radyo Serbato sa Butuan City bago nahalal na konsehal sa bayan ng Marihatag. (Edwin Balasa)


オリジナルサイトで読む