Kolehiyala 15 beses sinakyod ng kawatan

Kalunos- lunos ang sinapit ng 21-anyos na kolehiyala ng matagpuang may 15 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Apopong, General Santos City nitong Lunes.

Kinilala ng General Santos City Police Office ang biktima na si Miyuki Kim, graduating student ng Mindanao State University.

Ayon kay P/Maj Jethro Doligas ng Police Station 2, ang partner ng biktima na isang miyembro ng LGBTQ community, ang nakadiskubre sa bangkay ni Kim na duguang nakahandusay sa kama nito nang bubuksan na sana niya ang kanilang lotto outlet.

Posibleng pagnanakaw umano ang motibo sa krimen matapos na mapansin na magulo ang buong kabahayan ng biktima.

“Ang area po parang may nagulo, nagulo po ang kuwatro and at the same time maraming saksak na tinamo ang ating biktima,” ayon kay Major Doligas.

Nabatid na naiwang mag-isa ang biktima sa kanilang bahay matapos umalis ang kanyang ina at stepfather upang dumalo sa isang okasyon. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む