Bagets bumulagta sa fun run

Nauwi sa pagluluksa ang sana’y fun run ng mga kabataan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, matapos masawi ang isa sa mga kasama sa event noong Lunes.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Jason Buisan, 18, at residente ng Barangay Makir sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, bigla umanong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang binata at nahirapang huminga habang nasa kalagitnaan ng kaniyang pagtakbo.

Agad namang rumesponde ang medical team at isinugod sa ospital ang biktima, ngunit binawian din ito ng buhay.

Sa ipinalabas na pahayag, nagpaabot ng pakikiramay nito si Mayor Abdulmain Abas sa pamilya ng binata at tiniyak ang kaukulang tulong sa mga ito.

Nabatid na mahigit 2,000 katao mula sa iba’t ibang lugar ang lumahok sa unang fun run ng municipal government, bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 31st Founding Anniversary. (Jun Men


オリジナルサイトで読む