Dedbol ang rider at ang kaniyang angkas matapos tambangan ng hindi nakilalang mga suspek sa bayan ng Pikit, Cotabato nitong Lunes.
Ayon sa ulat, binabaybay ng mga biktima ang Barangay Silik ng pagraratratin ng mga suspek.
Nagtamo ng marami ng tama ng bala ang dalawang biktima, sanhi ng agarang pagkasawi.
Matapos ang insidente, iniwang nakabulagta ang dalawa sa gilid ng kalsada habang mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nagpapatuloy pa sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Jun Mendoza)