Bangkay na pinaglalamayan, naabo sa sunog

Labis ang paghihinagpis ng mga magulang na namatayan matapos na kasamang matupok ang pinaglalamayan nilang 35-anyos na babaeng anak nang sumiklab ang sunog sa kanilang bahay Cordova, Cebu noong Miyerkules ng hapon.

Batay sa imbestigasyon ni FO1 Bemil Genaro Jr., fire investigator sa Cordova Fire Station, alas-5 ng hapon nang magsimua ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ng pamilya Baguio sa Sitio Sambagan, Barangay Pilipog.

Dumikit umano ang nakasinding katol sa kurtina na posibleng pinagmulan ng apoy na mabilis kumalat sa buong kabahayan na gawwa sa light materials.

Dahil dito, hindi na umano nagawang buhatin pa ng miyembro ng pamilya ang kabaong palabas ng bahay.

Dumagsa naman ang tulong sa pamilya ng namatayan para muling maitayo ang kanilang tirahan.(Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む