Ex-barangay tserman utas sa ambush

Isang dating barangay chairman ang agad na nasawi matapos pagraratratin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Isabela City, Basilan nitong Huwebes, Disyembre 11.

Sa ipinalabas na ulat ng Isabela City Police Station, kinilala ang nasawing biktima na si Hadji Malik Aru, ng Barangay Mangalut sa bayan ng Akbar.

Lulan umano ng kaniyang motorsiklo ang biktima nang tambangan sa bahagi ng Sitio Pilar, sakop ng Barangay Binuangan ng lungsod.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na iniwang nakahandusay ng mga tumakas na suspek.

Nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Isabela City Police Station sa insidente. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む