Hospital staff, 2 pa kinalawit sa drug den

Dinakma ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 (PDEA RO9), sa pamamagitan ng Regional Special Enforcement Team (RSET), ang tatlong tulak na kinabibilangan ng isang hospital staff sa sinalakay na drug den sa Barangay Cogon, Zamboanga del Sur nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip sa mga alyas na sina “Bai,” 28; “John”, 19, at “Mel”, 39, isang kawani ng ospital.

Sa ulat, isinagawa ang operasyon, sa pangunguna ng PDEA RO9 RSET, kasama ang 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ipinatupad ng team ang search warrant bandang alas-12:15 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakasamsam sa humigit-kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug value na aabot sa P102,000.

Narekober din ng mga awtoridad ang iba’t ibang drug paraphernalia na ginamit sa iligal na aktibidad.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 6, 7, 11, at 12 ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む