Kalaboso ang isang 41-anyos na lalaki nang makumpiskahan ito ng nasa P13 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro noong Sabado.
Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), itinuturing na high value individual sa ilegal na kalakalan ng droga sa lungsod ang suspek.
Nakumpiska mula rito ang 17 sachet ng umano’y shabu na tumitimbang ng dalawang kilo, isang Chinese tea bag, cellphone, digital weighing scale at iba pang ebidensya.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.