Nakaratay ngayon sa ospital ang binatang mag-utol matapos pagtatagain sa Negros Oriental.
Sa report ng pulisya, alas-3:40 ng hapon, Disyembre 14, 2025 nang magtalo ang dalawang magsasaka habang nag-iinuman sa Sitio Yared, Brgy. Cambagahan, Bais City, Negros Oriental.
Hinampas ng suspek ng dalang itak ang kanyang kainuman at nang makita ng kapatid ng tinaga ay sumaklolo subalit inundayan din ito ng taga hanggang iniwan ng salarin ang dalawa na duguan.
Ang magkapatid ay edad 40 at 23 na kapwa binata at residente ng Brgy Tadlong, Mabinay, Negros Oriental. Ang suspek naman ay taga-Sitio Kaluy-ahan, Brgy Cambagahan ng naturang bayan.
Nakikipag-ugnayan diumano ngayon ang mga pulis sa mga opisyal ng barangay sa ginagawang hot pursuit operation. (Edwin Gadia)