Isang magnitude 4.2 na lindol ang yumanig sa karagatang sakop ng Santa Monica, Surigao del Norte kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naganap ang pagyanig bandang alas-11:36 ng umaga, base sa Earthquake Information No. 1 ng ahensya.
Matatagpuan ang sentro ng lindol may 28 kilometro hilagang-kanluran ng Santa Monica, na may lalim na 24 kilometro, at tinukoy na tectonic ang pinagmulan nito. Iniulat din ng Phivolcs ang Instrumental Intensity III sa Silago, Southern Leyte; Intensity II sa Hinundayan, Southern Leyte; at Intensity I sa Surigao City, Surigao del Norte.
Ayon sa ahensya, walang inaasahang pinsala o mga aftershock ang nasabing lindol.