Nagpositibo sa random drug testing ang isang tricycle driver at 3 konduktor ng pampasaherong bus sa Iriga City Central Terminal.
Sanib-puwersa ang mga tauhan ng PDEA Regional Office 5-Bicol, Land Transportation Office Bicol, Iriga City Police Station at lokal na pamahalaan ng Iriga City sa surprise drug testing.
Nabatid na 100 public utility vehicle drivers at conductors na pawang mga lalaki ang isinailalim sa random drug testing.
Sa mga driver ng iba’t ibang uri ng land transportation sakop ng LGU-Iriga City, ang apat na nagpositibong indibidwal ay iri-refer sa kanilang barangay habang isasagawa ang confirmatory test sa lumabas na resulta.
Ipapaalam din sa bus operators ng mga konduktor ng bus at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB-Bicol) ang drug test results upang tiyakin ang pagsunod ng mga ito sa Drug-Free Workplace Program. (DWAR Abante Radyo)