Tatlong menor de edad at isang 49 taong gulang na lalaki ang pawang nasugatan sa naganap na banggaan ng motorsiklo at e-bike sa Santa Catalina, Ilocos Sur, Lunes ng gabi.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nanggaling sa magkaibang direksyon ang e-bike na kinalululanan ng 3 menor de edad at motorsiklo na minamaneho ng 49-anyos.
Pero nang nasa intersection na sila ng Barangay Poblacion at Barangay Sinabaan ay nagsalpukan ang dalawang sasakyan.
Sa lakas ng pagbangga, pare-parehong tumilapon ang mga sakay ng dalawang sasakyan na agad na dinala sa ospital
Napag-alaman na pawang mga high school students ang tatlong lulan ng e-bike.
Muling nagpaalala ang pulisya sa mga magulang na bantayan at huwag hayaan ang mga menor-de-edad na anak na magmaneho. (Randy Menor)