Pasaherong dalaga minanyak ng driver

Hinabol hanggang upland barangay sa Oas, Albay ang 28 taong gulang na habal-habal driver ng mga tauhan ng Women and Children Protection Desk Section ng Oas Municipal Police Station upang papanagutin sa kasong pangmomolestiya sa kanyang pasahero.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jun”, isang door-to-door o “habal-habal” driver sa Oas, Albay, Siya ay inireklamo ng 20 taong gulang na dalaga sa himpilan ng Oas Municipal Police Station nang puwersahan umano siyang minolestiya ng suspek, alas-7:00 ng gabi noong Disyembre 16, 2025.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya laban sa suspek na nagtago sa malayong barangay ng naturang bayan.

Positibong itinuro ng biktima ang suspek nang ito ay maaresto.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 ang suspek. (DWAR Abante Radyo)


オリジナルサイトで読む