Sugatang isinugod sa pagamutan ang isang babae matapos tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek, hapon nitong Huwebes, Disyembre 18, sa bahagi ng Barangay Salimbao, bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Sa ulat ng SK Municipal Police Station, pasado alas-2:00 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa mga opisyal ng barangay hinggil sa insidente ng pananambang.
Sa ginawang pagresponde ng kapulisan, naabutan pa nilang nakahandusay ang biktima at may tama ng bala.
Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng motorsiklo ang biktima nang pagraratratin ng hindi pa nakilalang mga suspek.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad. (Jun Mendoza)