Isang bangkay ang bumulaga sa isang hacienda sa Negros Occidental kahapon ng umaga.
Natagpuan ang di pa nakikilalang biktima sa Hacienda Bernabe, Barangay Salvacion, bayan ng Murcia, Negros Occidental pasado alas-9:00 ng umaga, Biyernes, Disyembre 19, 2025
Sa isang panayam kay Police Captain Honey Labaro, hepe ng Murcia Municipal Police Station, nalaman na nadiskubre ang bangkay ng mga manggagapas ng tubo dahil sa kakaibang amoy.
At sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya ay tumambad ang nakausli na buto ng kamay ng biktima na mababaw na inilibing kung saan ito umalingasaw.
Kaugnay nito, sinabi ng pulisya na maaari pang makilala kung sino ang bangkay, na planong idaan ngayon ng analysis sa forensic laboratory. (Edwin Gadia)