Australian beach shooter naispatan sa Davao gun store

Isa sa mag-amang sangkot sa pamamaril sa Bondi Beach sa Sydney, Australia ang naitala na bumisita sa isang tindahan ng baril sa Davao noong Nobyembre.

Ayon kay Maj. Catherine Dela Rey, tagapagsalita ng Police Regional Office 11, ang 50-anyos na si Sajid Akram ay nakitang pumasok sa naturang tindahan. “What we’ve seen is one of them visiting a gun shop,” ani Dela Rey nitong Sabado.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na namalagi sa Davao ang mag-amang sina Sajid at Naveed Akram mula Nobyembre 1 hanggang 28.

Nauna nang iniulat ng pulisya na halos hindi umalis ang dalawa sa GV Hotel, kung saan sila nanatili. Gayunpaman, nagpapatuloy ang imbestigasyon upang tuklasin ang kanilang posibleng aktibidad mula sa pagdating sa Davao International Airport hanggang sa kanilang pag-alis.

“Our reviewing of CCTVs is ongoing so we can see the other places they visited and the people they could have spoken with,” dagdag ni Dela Rey. (Angelika Cabral)


オリジナルサイトで読む