Higit sa P2 milyong halaga ng bawal na gamot ang naispatan sa baybayin ng Barangay Lucbuan ng Magsaysay, Palawan.
Nakita ito ng isang residente habang naglalakad na nakalagay sa itim na garbage bag dakong ala-1:00 ng hapon noong Biyernes, December 19.
Ayon sa Magsaysay Municipal Police Station, napansin ng residente ang plastic bag na hinahampas-hampas ng alon sa dalampasigan.
Nang kunin at kanyang buksan, tumambad ang apat na maliliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang ilegal na gamot at agad na isinuko sa mga awtoridad.
Tinatayang nasa halos 300 gramo ang bigat ng hinihinalang tobats na may halagang humigit-kumulang P2,038,164.
Dinala na sa Palawan Forensic Laboratory ang mga bawal na gamot para sa kaukulang pagsusuri. (Romeo Luzares Jr.)