Umabot sa 38 iba’t ibang kalibre ng armas at mga pampasabog ang kusang isinuko ng iba’t ibang grupo sa militar, nitong Biyernes, Disyembre 19, sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Iniulat ni 7th Infantry Battalion, Philippine Army Commander LtColonel Tristan Rey Vallescas, ang boluntaryong pagsuko ng mga armas ay patunay ng lumalakas na tiwala at kooperasyon ng mga lokal na komunidad sa hanay ng seguridad bilang suporta sa kapayapaan at kaligtasan ng publiko.
Kabilang sa mga isinukong kagamitang pandigma ang mga 12-gauge shotguns, 12-gauge pistols, M79 grenade launchers, Springfield caliber .30 rifle, 9mm submachine gun, mga granada, at iba pang uri ng armas at pampasabog.
Pormal na iniharap ang mga isinukong armas at pampasabog sa kampo ng militar para sa wastong dokumentasyon at tamang disposisyon. (Jun Mendoza/Edwin Balasa)