Pedestrian sinalpok ng rider, parehong dedbol

Dedo ang rider at isang pedestrian matapos ang isang aksidente sa national highway ng Barangay Sulvec, Narvacan Ilocos Sur noong gabi ng Huwebes.

Ayon sa pulisya, binabagtas ng isang motorsiklo ang direksyong patimog nang aksidente nitong mahagip ang isang senior citizen na lalaki na tumatawid sa kalsada.

Sa tindi ng pagkabangga, kapwa nagtamo ng malulubhang sugat sa katawan ang 30-anyos na rider at ang 65-anyos na pedestrian.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad at dinala ang dalawa sa Ilocos Sur District Hospital-Narvacan pero pareho silang dead-on-arrival.

Nagtamo naman ng matinding pinsala ang motorsiklong sangkot sa aksidente. (Randy Menor)


オリジナルサイトで読む