Inagaw ng 36-anyos na babae ang machete ng isang coconut vendor, at saka tinaga ang napadaang delivery rider sa Barangay Poblacion, Talisay City, Cebu, nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa Talisay PNP, nalaman nilang may sakit umano sa pag-iisip ang babae na kinilalang si “Madelyn,” 36, na ang common-law husband ay residente ng Sitio Sawsawan, Barangay San Roque, Talisay City.
Ang biktimang rider ay nakialang si “Michael,” 46, binata, residente ng Libo St., Brgy. Mohon, ng nasabi ring lungsod.
Sa ulat ng pulisya, alas-11:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Burgos St., Brgy. Poblacion, Talisay City.
Kinuha umano ng babae ang machete na ginagamit ng isang vendor sa pagbukas ng niyog at tinaga ang isang delivery rider na nagkataong dumaan sa lugar.
Tinamaan siya sa kanang braso at isinugod sa ospital kung saan siya nagpapagaling. (Dolly Cabreza)