Pulis tinumba sa lamayan

Patay ang isang pulis nang pagbabarilin habang nagmamasid sa isang lamayan sa Barangay Tipanoy, Iligan City nitong Linggo ng hatinggabi.

Ayon sa Iligan City Police Office (ICPO), ang biktima ay miyembro ng Iligan City Mobile Force Company.

Batay sa imbestigasyon, habang minamasdan ng biktima ang kakilalang namatay ay biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang gunman at pinagbabaril ito ng ilang beses bago tumakas.

Narekober ng mga imbestigador ang mga piraso ng ebidensya mula sa pinangyarihan ng krimen.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa insidente para sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin.

“Kami ay nagpaabot ng aming malalim na pakikiramay sa pamilya ng aming mga namatay na tauhan. Hinihimok namin ang publiko na manatiling kalmado at makipagtulungan sa mga awtoridad habang patuloy naming tinitiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod. Ang mga karagdagang update ay ilalabas habang umuusad ang imbestigasyon,” pahayag ni ICPO Director, P/Col. Jerry Tambis. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む